Biyernes, Disyembre 20, 2013

mga batas pangwika at kasaysayan ng wikang pambansa

Kasaysayan ng Wikang Pambansa/ Mga Batas Pang-wika

Pambansang Wika- daan tungo sa pagkakaisa at pag-unlad ng bansang gumagamit nito.

Panahon ng Rebolusyon


  • Saligang batas ng Biak na Bato 1897- gagawing opisyal na wika ng rebolusyon ang wikang Tagalog.


Panahon ng Amerikano

  • Batas blg. 74 noong 1901- gagamitin ang wikang Ingles bilang wikang panturo.
  • Komisyong Monroe- ang komisyong ito ang nagpatunay na may kakulangan pa rin sa paggamit ng Ingles bilang wikang panturo sa akademya.
  • Noong 1931-minunkahi ni Bise Gobernador-Heneral Butte na gamitin ang mga bernakular na wika upang gawing midyum sa pagtuturo
Gintong Panahon ng Wikang Pambansa
                 Manuel L. Quezon- Ama ng Wikang Pambansa
                 Lope K. Santos- ama ng balarilang Tagalog, nagpanukala na ibatay ang wikang pambansa sa                                             isa sa mga umiiral na wikang katutubo.

  • Kumbensyong konstitusyunal ng 1935-binigyang katugunan ang pangangailangan ng bansa ng isang pambansang wikang magbubuklod sa bansa.
  • Artikulo XIV, Seksyon 3 konstitusyon ng 1935- Ang pambang asembleya ay gagawa ng mga hakbang tungo sa paglinang at pagpapatibay ng isang panlahat na Wikang Pambansa na nasasalig sa isa sa mga wikang katutubo. Hangga't walang ibang itinatadhana ang batas, ang Ingles at Kastila ang wikang opisyal.
  • batas Komonwelt blg. 184- batas na nagtatakda ng Surian ng Wikang Pambansa at nagtatakda ng mga kapangyarihan at tungkulin nito. 
  • Tagapagpaganap blg. 134- nagrekomenda na Tagalog ang gawing saligan g Wikang Pambansa.
  • Kautusang Tagapagpaganap blg. 263 ( Abril 1, 1940)- pinalimbag ang A Tagalog-English Vocabulary at Ang Barila ng Wikang Pambansa.
  • Hulyo 19, 1940- sinimulan ituro sa mga paaralang pribado at publiko ang Wikang Pambansa.
  • Batas komonwelt blg. 570-Ipihayag ang pagiging isa sa mga opisyal na wika ang wikang pambansa simula Hulyo 4, 1946
Panahon ni Pang. Ramon Magsaysay
  • Proklamasyon blg. 12 (Marso 26, 1954)- ipinagdiwang ang linggo ng wika noong Marso 29- Abril 4 tampok ang kapanganakan ni Francisco Balagtas
  • Proklamasyon blg. 186 (1955)- inilipat niya ang pagdiriwang sa Agosto 13-19 na tampok ang kaarawan ng Ama ng Wikang Pambansa.

Linggo, Disyembre 8, 2013

Para ito sa mga estudyanteng tulad ko na naghahanap ng tips sa paggawa ng kanilang resume. Maaaring ito ay para sa paghahanap ng trabaho o simpleng homework lang. Ayon sa aking  propesor at sa mga nabasa ko ring tips sa iba't ibang article, ito ang mga dapat tandaan sa paggawa ng resume:

  • Tapat-maging tapat sa lahat ng impormasyong nilalagay mo sa iyong resume. Halimbawa nito kung wala ka pang work experience o karanasang pangpropesyonal 'wag maglagay ng impormasyon dito, mas maganda kung ilalagay mo na lang ang mga impormasyon mo sa OJT.
  • Ilagay ang mga dinaluhan mong seminar, conference, forum at iba pa upang malaman ng iyong papasukang kompanya ang iyong mga kakayahan. PERO ilagay lamang ang mga mahahalaga at may kaugnayan sa iyong target na trabaho, mga kakayahan at kasanayan. Kung marami kang seminar piliin lang iyong mga dinaluhan sa nakalipas na limang taon.
  • Sa paglalagay ng layunin gasgas na at hindi marapat ang sabihing "To join a company that will develop my skills and knowledge". Hindi ka dapat magsabi sa mga kompanyang papasukan na sila pa dapat ang hahasa sa iyong mga kasanayan dapat isulat sa iyong objective ang posisyon na iyong nais pasukan direkta at walang ligoy.
  • Ang paglalagay ng Character Refence ay mahalaga dahil sila ang magsasabi at magpapatunay ng iyong kakayahan. Ngunit ayon sa aking propesor sa ilang pagkakataon hindi na kailangan maglagay ng  referees madalas kasing mas binibigyang pansin ng mga employer ang iyong skills at experience kaysa sa iyong referees. Para sana akin mas maiimpress mo ang taong naghihire sayo kung magaling ka hindi dahil sa mga taong ilalagay mo sa Character Reference mo. Siguraduhin din na naabisuhan mo ang mga taong ilalagay dito may mga pagkakataon kasi na tinatawagan ng employer ang mga taong nasa Character Reference ng nag-aaplay tapos hindi pala matawagan o hindi kilala ng referee yung naglagay sa kanya dun.
  • HUWAG MANGGAYA ng gawa ng iba, sarili mong ideya ang lahat ng ilalagay mo sa iyong resume. 
  • Walang mali o tamang format sa pagagawa ng resume. May mga istilo lamang ang pagsulat ng resume (Chronological, Functional at Combine) ngunit wag mong itali ang sarili sa mga format na gawa ng iba. Iba-iba ang mga kahingian ng bawat kompanya kaya dapat ibahin mo rin ang iyong resume ayon sa hinihingi ng pagkakataon.
  • Hindi na ito dapat lagyan ng "All the above information is true to the best of my knowledge..." HINDI ito notaryo para lagyan mo pa ng ganyan, pero kung gusto mo talaga ng ganyan pwede naman basta dapat may pirma at tatak yan mula sa abogado ha...
Lahat ng mga impormasyon sa taas ay mula lang sa mga nabasa, narinig at natutunan ko. Sana ay nakatulong ako sa mga kailangan ninyong impormasyon. Maari kayong magcomment para sa suggestion at reactions ninyo