Linggo, Disyembre 8, 2013

Para ito sa mga estudyanteng tulad ko na naghahanap ng tips sa paggawa ng kanilang resume. Maaaring ito ay para sa paghahanap ng trabaho o simpleng homework lang. Ayon sa aking  propesor at sa mga nabasa ko ring tips sa iba't ibang article, ito ang mga dapat tandaan sa paggawa ng resume:

  • Tapat-maging tapat sa lahat ng impormasyong nilalagay mo sa iyong resume. Halimbawa nito kung wala ka pang work experience o karanasang pangpropesyonal 'wag maglagay ng impormasyon dito, mas maganda kung ilalagay mo na lang ang mga impormasyon mo sa OJT.
  • Ilagay ang mga dinaluhan mong seminar, conference, forum at iba pa upang malaman ng iyong papasukang kompanya ang iyong mga kakayahan. PERO ilagay lamang ang mga mahahalaga at may kaugnayan sa iyong target na trabaho, mga kakayahan at kasanayan. Kung marami kang seminar piliin lang iyong mga dinaluhan sa nakalipas na limang taon.
  • Sa paglalagay ng layunin gasgas na at hindi marapat ang sabihing "To join a company that will develop my skills and knowledge". Hindi ka dapat magsabi sa mga kompanyang papasukan na sila pa dapat ang hahasa sa iyong mga kasanayan dapat isulat sa iyong objective ang posisyon na iyong nais pasukan direkta at walang ligoy.
  • Ang paglalagay ng Character Refence ay mahalaga dahil sila ang magsasabi at magpapatunay ng iyong kakayahan. Ngunit ayon sa aking propesor sa ilang pagkakataon hindi na kailangan maglagay ng  referees madalas kasing mas binibigyang pansin ng mga employer ang iyong skills at experience kaysa sa iyong referees. Para sana akin mas maiimpress mo ang taong naghihire sayo kung magaling ka hindi dahil sa mga taong ilalagay mo sa Character Reference mo. Siguraduhin din na naabisuhan mo ang mga taong ilalagay dito may mga pagkakataon kasi na tinatawagan ng employer ang mga taong nasa Character Reference ng nag-aaplay tapos hindi pala matawagan o hindi kilala ng referee yung naglagay sa kanya dun.
  • HUWAG MANGGAYA ng gawa ng iba, sarili mong ideya ang lahat ng ilalagay mo sa iyong resume. 
  • Walang mali o tamang format sa pagagawa ng resume. May mga istilo lamang ang pagsulat ng resume (Chronological, Functional at Combine) ngunit wag mong itali ang sarili sa mga format na gawa ng iba. Iba-iba ang mga kahingian ng bawat kompanya kaya dapat ibahin mo rin ang iyong resume ayon sa hinihingi ng pagkakataon.
  • Hindi na ito dapat lagyan ng "All the above information is true to the best of my knowledge..." HINDI ito notaryo para lagyan mo pa ng ganyan, pero kung gusto mo talaga ng ganyan pwede naman basta dapat may pirma at tatak yan mula sa abogado ha...
Lahat ng mga impormasyon sa taas ay mula lang sa mga nabasa, narinig at natutunan ko. Sana ay nakatulong ako sa mga kailangan ninyong impormasyon. Maari kayong magcomment para sa suggestion at reactions ninyo

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento